Happy 5th Monthsary! 04.13.15

READ HERE!!! :)

Hi Nevaeh! :) Five months! Five months mahal ko! We've been together for five months! It feels more like five days! It feels like yesterday nung una kitang nakilala, Nung unang sinabi ko sa sarili ko na walang gagawing matino tong kagroup ko na to. Nung unang tinawagan mo ko at nagkausap tayo ng matagal. Nung unang sabay tayong kumain ng lunch.. Nung unang dinala mo yung bag ko para sakin. Parang kahapon lang lahat yun.. And yet, here we are, celebrating our fifth month together. Mahal ko, kahit na malayo tayo sa isa't-isa, kahit na long distance relationship na pala tayo, hindi kasi pumasok sa isip ko na ganun tayo kasi pakiramdam ko nasa tabi pa rin kita, pakiramdam ko magkasama pa rin tayo, eto yung pinakasimple kong magagawa para iparamdam sayo na mahal na mahal kita, at hindi magbabago yun kahit na minsan parang wala na tayong oras para sa isa't isa. Kahit minsan yung saglit na magkausap tayo inaaway pa kita.. Kahit ngayon, ilang oras yung layo mo sakin. Kahit na walang paraan ngayon para magkasama tayo kahit konting oras lang.. Kahit na walang "Saturdate" o "Foodtrip" tulad ng nakagawain natin tuwing atrese ng buwan.. Nevaeh, lagi mong tatandaan na mahal kita. Mahal kita, mahal na mahal. Alam ko, masyado pa tayong mga bata para sabihin na desidido na tayong ikaw at ako na yung magsasama habang buhay, pero mahal ko, yun na yung naiisip ko. Yun na yung pinapangarap ko. Yun na yung gusto kong mangyari, yun na yung pinaplano ko. Na ikaw na yung papakasalan ko, magiging katuwang ko sa buhay, yung magpapatunay sakin ng forever.. Yung magpapatunay sa mundo na may forever. Miss na miss na kita. Sobrang miss na habang sinusulat o tinatype ko to, nasasayang yung makeup ko kasi tumutulo na yung luha ko. Kung pwede lang na pumunta dyan para makita ka lang, o kaya kung pwede llang na pag may kumatok sa pintuan ko, pagbukas ko, ikaw na yung nasa kabilang side.. Kung pwede lang na mayakap ka kahit saglit lang, kahit ngayong araw lang na to, tapos okay na ko ulit, kaya ko na ulit na isang buwan o higit pa na maghintay na maksama ka ulit... Kung pwede lang.. Kung kaya ko lang.. Ginawa ko na. Alam kong ganito ka din. Ganito din nararamdaman mo. Ramdam ko eh. Ako pa ba? Eh kung yung gising ka nga lang, ramdam ko at di ako makatulog, yung ganito pa kaya? Ang haba na nito.. Sige na. Enough na. Baka maiyak ka pa. Basta, I love you and I miss you.. So much. Happy Fifth Monthsary, Nevaeh. :* -Umi; 04.13.15

Comments

Popular posts from this blog

Restart | April 2020

First Impressions: Ava Luna by Kylie Padilla | March 2020

Self Esteem and Confidence | 2020