CHAPTER FOUR: Wedding Dress | Let's Have a Masquerade

 CHAPTER FOUR: Wedding Dress


“Xyvyen..”

“Xyvyen gising na...”

“Xyvyen umaga na!”

Kinatok ko na nga. Ba. Ayaw pa rin.

“Pag di ka pa gumising dian bubuksan ko na tong pinto!”

“SIGE SUBUKAN MO KUNG HINDI KO LAPNUSIN YANG PAGMUMUKHA MO!”

High blood ka masyado?

“Xyvyen meron ka ba? Init ng ulo mo ah..”

“STFU!!”

Pero syempre hindi acronym ang sinabi nia. Kaya back out na ko. Isang tip para sa mga nagbabalak makasama sa bahay si Xyvyen: Pag nagmura na sya, kahit pabulong o pasigaw, lalo na pag nag aaway kayo, sya man ang mali, galit na galit ka man, BACK OFF. Kasi totohanin nia ung threat nia. Narinig mo man ung threat o hindi. I learned that the hard way.  Kaya inoperahan ung paa ko eh. Take note: Nakita nia ng dumugo, eto lang ang sinabi nia.

“Punasan mo yang sahig, nagmamantsa sa tiles ang dugo. Galing man sa tao o sa hayop.

Kaya back off na ko.

“Hintayin na lang kita sa garden ha.”

Wala ng reply. Hay.

Paupo na ko sa bench nung mag ring ung cellphone ko.

*Alexa calling*

“Leave me alone.”

Si Alexa ang pinaka annoying na tao sa mundo. Puro pink, akala mo kung sino, overconfident at patay na patay sakin. Akalain mong tawagan ang Mommy ko nung three days straight ako umabsent dahil sa opera ko sa paa (na kagagawan ni Xyvyen)? At nung nalaman nia na si Xyvyen ang may kasalanan, sinugod nia pa sa room!

Tanggap kong gwapo ako. Pero sobra naman xa. Meron mga may crush sakin na sumisigaw lang ng ‘I love you Vernon’ pag nadadaan ako, nakakatuwa sila. Minsan hihingi pa sila ng autograph okya magpapapicture. Nakakatuwa. Pero yung kapag nakita ako eh kulang na lang lumambitin sa leeg ko at ung ipamukha sa lahat na ‘close’ kame, nakakairita. Baka kung ano pa isipin ng iba. Okay lang sana kung hanggang dun diba? Pwedeng iwasan. PERO ung idadamay ang iba, ibang usapan na. Pinakalat nia sa school na pinalayas si Xyvyen sa kanila dahil nahuling nakikipag *toot*. Pinakalat nia din hammer sound si Xyvyen. At ang pinakamatindi: Pinakalat niang nilalandi lang ako ni Xyvyen kaya magkasama kami sa iisang bubong.

Seriously? I mean, seriously? It’s a wonder kung bakit di pa naeexpell ung babae na yun eh. My God.

“Vernon ano ba?! Pwede mo bang sagutin yang aso mo? Pati ako kinukulit eh!”

Oops. Andyan na pala si Xyvyen.

“Lntek! Umagang umaga sira araw ko!”

Tinext ko na lang si Alexa.

“I’m driving. Call me later.”

Hay. Ano kaya problema ni Xyvyen.

“Hoy Bhee. Bakit ba ang init init ng ulo mo? Lika nga dito.”

Bhee. Pronounced as ‘bee’. Naging tawagan namin nung una-una palang kaming nagkakilala. Trip lang namin. Uso kasi sa school ung may tawagan.

Padabog naman xang tumabi sakin. Naka crossed arms pa xa at nadikwatro. Inakbayan ko xa. Friendly gesture.

“Alam mo bang inaatake na naman ako ng Ron/Hermione shippers? Takte naman o! Wala ba silang imagination??”

“Ang high blood mo naman. Bayaan mo na sila.”

“Nakakainis kase!”

“O, tama na. Bayaan mo na sila.”

“Hay nako!”

Pinatong nia ung ulo nia sa balikat saka nagbuntong hininga. Hinimas-himas ko naman ung buhok nia. It helps her calm down. Maya maya, nagbuntong hininga ulit xa.

“Ung Glee na pabango ung ginamit mo hano?”

“Oo. Bakit?”

“Wala lang. Napansin ko lang.”

“Tara na?”

“Yup!”

Okay na xa nian. Isa pang tip sa pakikisama kay Xyvyen? Wag mong tatanungin kung okay na xa. GO with the flow.

“San ba tayo?”

“Kela Judith.”

“Ang layo naman!”

“May discount tayo dun.”

“Fine.”

Sumakay na kami ng kotse. May lisensya ako boi!

Post a Comment

0 Comments