CHAPTER TWO: NGITI | Let's Have a Masquerade

 CHAPTER TWO

Ngiti

Paglabas ko ng banyo, biglang may sumigaw ng surprise sa baba. Dahil curious ako, bumaba ako para silipin kung ano yun.

Guess who.

Si Glenn.

Ang epal sa buhay ko.

Don’t get me wrong, good kami ni Glenn, kaso nakakalalaki lang kapag dinadalan nia ng mga regalo si Xyvyen. O kaya pag nilalambing nia si Xyvyen. Nakakairita.

Ano ka hilo? Wala akong gusto kay Xyvyen.

Nakakairita lang kasi pinagkatiwala sakin si Xyvyen tapos wala akong magawa para idistansya sa mga potential na evil overlords at mga bad influence na tulad ni Glenn.

Hindi ako nagseselos kay Glenn. Asa naman. Mas maganda akong lalaki kesa dun no.

Hay, hirap mo kausap. Dun na nga lang ako sa music room. Mag susulat na lang ako ng kanta.

-an hour later-

Simple lang pala
Kung pa'no ako
Liligaya sa mundong ito...

Ika'y papatawarin at
Papaligayahin
Hanggang maluha ka sa tuwa...

Dahil lahat ng nararamdaman mo
Ay nadarama ko rin...

Chorus...
Kaya ngiti... ngiti... ngiti aking
Hiling
Hanggat ang puso ko'y
Mabaliw...
Ngiti... ngiti... ang pantawag
Sa akin
Para puso koy
Sayo lamang... sayo lamang...
Uuwi...

(Repeat chorus)

Ngiti...
Ngiti...
NGITI!

Hmm.. Pwede na. Mairecord na nga.

O? Gulat ka? A, e, kung di mo nalalaman, nagpopost ako ng mga video sa Youtube.. Wala akong masyadong pake sa mga subscribers, basta ako nai-she-share ko sa mundo talento ko. Malay mo naman diba? Baka madiscover ako.

Kung madidiscover man ako, adi kasaya. Swerte na din sila. Meron na silang bagong talent na gwapo, talentado, responable at syempre matalino.

“Vernon!!”

Ano naman kaya problema nun? Naghuhumiyaw pa.

“Baket??”
“San ka?”

“Music room!”

Maya-maya bumukas na yung pinto. Dandandandan!

“Vernon, pwede mo ba kong samahan sa debut ni Ate Dea sa Monday?”

“Bat di si Glenn isama mo?”

“Date nia na si Lexi eh.”

“Teka, are you asking me out?”

“Neknek mo! Kailangan lang talaga na may escort. Victorian Carnival kasi ang theme. Lahat may mask, formal ang attire, as in formal, like gown and such. Besides, kasama ka sa 18 roses. Kaw ung pang 18th.”

“Diba ung 18th dapat ung bf? Bat ako?”

“Ewan. Ako ba organizer at ako tinatanong mo?”

“Nagtatanong lang. Wag ka high blood.”

“Ano, sasama ka ba?”

“No choice. 18th rose ako eh.”

“Good. Shopping tayo bukas.”
“Shopping? DI ba pwedeng magpatahi na lang?”
“Four days na lang po.Thursday na kaya. Kaya whether you like it our not, mag sha-shopping tayo. Wala ka namang activities bukas eh. I checked. Kaya bukas.”

“Pero--”

“Please, Vernon. Ayoko mag-cram.”

Nakita ko naman ung expression na yun. Hay, sige na nga.

“Oo na. Basta sagot mo pagkain ha.”

Ngumiti naman xa saka biglang yumakap.

“Thanks so much talaga! The best ka na!”

Um, dapat ba kong maghug?

Nung iha-hug ko na xa, saka naman sya bumitaw.

“Uh..”

Awkward.

“Uh, tatawagan ko si Daddy, magpapadala ako ng pera sa debit card. Tatawagan ko na din si Tita.”

“Ah, sige sige.. Magluluto na lang ako ng dinner.”
Exit na ko. Masyadong makapal ang tensyon. Nakakataranta.

Post a comment

0 Comments