Almost.

 Ang lapit na ng birthday mo. 

  Ang lapit lapit na talaga.   Mga ilang kembot na lang talaga.   Konting konti na lang.   At..   Konting konti na lang din, iiyak ka na naman.   Actually kahit ngayon, konti na lang iiyak ka na eh. Ramdam ko na. Ayan na yung luha.   Ayan na nga. Umiyak ka na.   Masakit pa rin no? Grabe pa ba? Yung tipo bang gusto mo ng mamatay? Yung tipong bibigay ka na?   Sabagay, naiintindihan naman kita. Akala mo kasi yun na eh. Akala mo infinity na. Tinitignan mo pa nga yung box kanina eh. Isang tingin mo lang, bumalik na lahat.   Yung cellphone case na alaala ng oval moments nyo. Yung tatlong panyo na simbolo ng tatlong matinding away nyo. Yung mga yellow pad, long pad, at kung ano ano pang papel kung san ka walang sawang nagflames, naglovers, o umimbento ng pangalan ng magiging anak nyo. Naaalala mo yung saya, yung mga text, yung iloveyou, yung good morning, yung good night, lahat. Naaalala mo lahat lahat.    Pati yung sakit.   Siguro may mali ka ngang nagawa. May kulang. May kasalanan.    Mali naman kasi talaga yung ginawa mo na yun, kahit ba ano pang sabihin mo.    Maling mali yun friend.   Pero tamang sabihin mo. Tamang sinabi mo yung totoo. Sana hanggang sa pinakadulo, ganyan ka katatag.    Yan ka nila kilala eh. Ikaw si Janessa na matapang, mataray, matatag, walang inuurungan. Ikaw yung malakas yung loob, yung makapal yung mukha. Hindi ka takot ipakita kung sino ka talaga, at kung anong kaya mo.   Don't lose hope, girl. Kaya mo yan. Nakaya mo kay Bes, kay Bee, kay 34VR. Ngayon, kayanin mo naman yung kay Beyb.   Haha. Ang weird bigla sabihin. Parang nakakailang.    Siguro sign to na kahit gusto mo pang ibalik, kahit may feelings ka pa, mas mabuting hindi na rin.    Kasi memories na lang yung pinanghahawakan mo.   Kaya mo yan Ness. March 17 lang yan. :)

No comments:

Post a Comment