Against All Odds - Prologue

 


"Akala ko ba wala ng secrets?"   "Kung sinabi ko ba sa'yo, sa tingin mo, matutuwa ka?"   "Alam mo namang hindi diba?"   "Kaya nga. Besides, bago namin ipaalam sa mundo, gusto namin ayos na lahat.."    Yung ayos na lahat, yung hindi mo na kami masisira...   "Pero pano na yung atin? Mawawala na lang? Sa isang iglap? Dahil sa kanya? Ganun na lang?"   "Bakit, anu bang iniisip mo?"   "Na mababago lahat."   "May mababago nga ba? Naging kami lang naman ah. tayo, magkaibigan pa rin tayo. Anung mawawala satin? Wala."   "Ikaw. Mawawala ka sakin."   "Akala mo lang yun. Hindi naman ako nawala sa tabi mo eh. Ikaw lang ang gumagawa ng paraan para masira eh."   "Anung ginawa ko?"   "Lahat."   Lahat, lahat ng bagay na alam mong ayaw ko. Sinaktan mo ang sarili mo, at sinisisi ko ang sarili ko.   "Anung lahat?"   "Basta. Tandaan mo na lang yung pangako ko. Walang iwanan."

Post a Comment

0 Comments