Against All Odds - Chapter One : Photographs

 "Ano, tuloy ba tayo?" sabi ko kay Laika, isa sa mga close friends ko.

  "Oo naman! Grade ko yun." sagot ng bata.   "Ganun? Para sa grade kaya mo ko isasama? Di dahil close tayo?"   "Pwede both?"   "Baliw. Tara na nga! Baka andun na yung iba."   ***   "Ahm, eto nga pala si Henrick, si Claudette, si Arjhane, si Jaren at si Joyca. Guys, si Ate Raven." pakilala sakin Laika.   "Beng na lang." iwas ko, sabay tingin kay Laika. Alam nia naman na ayoko ng Raven eh. Parang panglalaki. OO, yung Beng kase babaeng-babae. DIBA? Haha. "Bahala na kayo kung may ate o wala."   "Anyway." sabi nung... Jaren? Ewan. Basta yung nananahimik kanina sa sulok.    "Anyway?" sagot ko. "Anyway, anu bang balak nio?"   "Photography kami Teh." eto naman si Arjhane. Sure ako. Sure na sure.   "Oh tapos?" parang tumaray ata? Pero keribels.    "Magpipicture lang naman yun diba? Family and Faith topic namin." sagot ni... Henrick? Pilosopong bata.    "Family and Faith? Kala ko ba Filipino re? Eh bat English?" ako syempre. Reklamador eh. Pwede kasing pag English, English! Di yung Filipino, umi-English! Hmp.   "Kami teacher? EH yun binigay ni Ma'am eh." Pilosopong bata talaga. Ilaykdat. Haha.   "Kfine. Eh ano nga balak nio?" unli ako. Paulet-ulet. Walang basagan ng trip!   "Gusto sana namin, mala-Mara Clara." singit ni Henrick, with feelings! Aba.   "Maria Clara kase eh." sagot nung Claudette. Eto mejo kilala ko na.. Mejo. :P   "Sige, tuloy." sabi ko.   "Bahay Teh, bahay?"    "Wag ka ngang pilosopo. Tinutulungan na nga tayo nung tao eh."    Ba. Marunong pala gumanito to. Di halata sa itsura eh. Kala ko tahimik lang eh. Lumalaban din pala tong Jaren. Sure na ko na Jaren to. Sure na talaga. HAHA.   "Arte nito. Sige, ikaw na! Sayong-sayo na! Birada!"   "Kasi po ganito yun." naks gumagalang. Po? Tanda ko na ah.    "Oh anu?"   "Parang, may babae, na may ipapaampon na bata... Tas walang tatay.. Tas yung tatay, nagpari.. Tas lalaki yung pinaampon na bata na babae, tas may makikilala s'ya.. Yung makikilala nia, nakalink pala sa tatay nia.. Tapos basta, magkikita yung nanay nia tska yung tatay nia na pari na... Tapos.. Ganun.. Yun." sagot ni Jaren. Hmm. Not bad. Not bad at all.

Post a comment

0 Comments