CHAPTER TWO| Trip Lang, Walang Totohanan

 Two:  It Started with a Dare

[/color]

“O ano? Bat di ka makasagot?”

“Lance--”

“Makikipag break ka na? Sige. Tutal trip lang naman para sayo to diba? Hindi makatotohanan. Biro lang. But for the record, akala ko ikaw na. Pero hindi pala. Thanks for the six months of making me feel loved. Happy 6th monthsary. Saktong six months tayo. Guess since we  have completed the dare, wala na talaga dapat tayo. Sige, mauna na ko.”

True to his word, umalis na nga xa. DI ko na xa hinabol, baka mapahiya lang ako. Bakit ba kasi tinanggap naming tong dare na to?

>>flashback<<

“Tagay tayo mga tol!” 

“Sira! Iced tea lang yan! :D

“Ah basta. Tagay tayo!”

“Guys, guys! Truth or dare tayo oh.”

“Sige ba! Game ako dian!!”

Naghanap sila ng bote saka kami nagform ng isang big cirle. Marami-rami rin kasi kami eh. Hehe.

Sa unang ikot, ako agad.

“Truth or Dare, Gerardin?”

“Dare.”

Ayoko nga mag-truth, baka kung ano itanong nila.

“Hmm, magkaroon ka ng boyfriend in half an hour.”

Hindi rin pala ako dapat nag-dare, kung ano pinagawa sakin.

“What? Imposible!”

“Posible, Gerardin. Maganda ka, mabait, matalino, talentado pa! Aba’y mag-aaply ako kung may opening sa puso mo!”

“Ows? Lasing ka tol?”

“Eto, trip trip lang ha. Gerardin, will you be my girlfriend?”

“Ahm, trip lang ha? Promise?”

“Promise. Cross my heart. Hope to die stick a needle in my eye. Ano pa gusto mong marinig?”

"Go signal mula kay Gerardo."

"Sige. Gerardo, pwede ko bang maging girlfriend ang kakambal mo?"

"OO naman tol! Kaw pa. Kilala kita, matagal mo nang gusto yang si GerGer eh."

"Ayieeee!!!!!"

Lahat sila. Lakas ng trip!

“Sige na nga. Tayo na.”

“Naks naman, GerGer, five minutes? Naks. Wala ng ligaw ligaw!”

Tawanan naman kaming lahat. Mga kalog naman tong barkada ko! Napatingin ako kay Lance, na nag-wink naman sakin. Babae ako. AT kinikilig ang babae kapag may kumukindat sa kanya. Diba? I therefore conclude, kinilig ako. :”>

>>end flashback<<

Naalala ko pa nun, first day of school, pumasok kami ni Lance ng magkaholding hands. Issue kami ng campus non. Pano, ako tong kakambal ng SG President at MVP ng volleyball, at kilalang musikera. Tapos, biglang magkaholding hands kasama ang resident suki ng Principal’s Office? Alam ng lahat na barkada kami, pero yung makita kami ng kami lang? Malabo. Kaya palaisipan sa lahat kung bakit kami magkasama. HHWW pa.

But who cares. I can date whoever I want. It’s not against the law. Actually, para pa rin kaming friends. Medyo naglevel up lang. Pwede nia na ko akbayan at mga iilang intimacy factor. Ganun din ako. Di nga naming pinag usapan eh. Mutual understanding. Alam naming ang limitations namin. That’s what you get for being friends ever since gradeschool.

Pero wala na lahat yan. Break na nga kami diba? At wala akong nagawa.

*switch POV to Lance*

“Makikipag break ka na? Sige. Tutal trip lang naman para sayo to diba? Hindi makatotohanan. Biro lang. But for the record, akala ko ikaw na. Pero hindi pala. Thanks for the six months of making me feel loved. Happy 6th monthsary. Saktong six months tayo. Guess since we  have completed the dare, wala na talaga dapat tayo. Sige, mauna na ko.”

Lumakad na ko papalayo. Pag pinigilan mo ako, sasabihin ko sayo lahat-lahat. Pigilan mo ko please.. Sundan mo ko. Sigawan mo ko. Batukan mo ko. Bugbugin mo ko... Basta pigilan mo ko Gerardin. Isang salita lang mula sayo.. Please...

Pero nakalayo na ko, walang Gerardin na pumigil sakin.

Okay. Fine. After all, this is all a big joke. Wala akong habol o kahit ano pa mang karapatan. Break na nga kami diba? Wala na. The end.

Sa totoo lang, matagal ko ng gusto si Gerardin. Bata pa lang kami. May naramdaman talaga ako sa kanya. Para bang may koneksyon kami? Basta. Mahirap iexplain. Lalo na nung nagging close kami. ANg dating crush, naging pagtama ng pana ni kupido. Ang weird ko no? Creepy. Lalaking mahilig sa romance? Nakakakilabot. Pero yan ako.

Ako si Lance Fergado. Resident bad boy ng eskwelahan namin. Pero ginawa ko lang naman yung image na yun para mapansin ako ni Gerardin eh. Sya kasi ang model student. Sa isip-isip ko, baka kung maging basagulero ako, ma-curious sya sakin. Na nangyari naman. Naglaunch si Gerardo ng Sagip Estudyante nung elementary kami. Isa ako sa mga napiling bigyan ng saklolo. At si Gerardin yung na-assign sakin. Nabago nia ako kahit papano. Hindi na ako bumabagsak. Pero hatak gulo pa rin. Kaya hanggang high school, yun ang tatak ko. Ang resident bad boy.

Tapos nagkaroon ng party si Gerardo at Gerardin for their 15th bday. Pool party, overnight ang barkada. Yung barkada lang namin. Bale, partido naman talaga. Pero higit na sa pagiging kapartido ang turingan namin. Pamilya na kami.

Anyway, dun sa party na yun natupad ang pinakamimithi ko. Naging kami Gerardin.

Para akong nasa langit non.

AKalain mo, girlfriend ko na ang pinaka sobra mula ulo hanggang paa lagpas pa pinakamamahal ay GIRLFRIEND KO NA. I know, redundant, pero hindi pa rin ako makapaniwala.

At di pa rin ako makapaniwala na tinapos ko lahat to.



Eto po ung Color Chart. Next time na lang po siguro yung pics, hahanap muna ko. ;)

Gerardo Yñigo D. Careza

Gerardin Yvonne D. Careza

Lancelot Felix V. Fergado

Astrid Sheigla B. Viñas

Margaret G. Rodriguez

Bryan André V. Bautista

Post a comment

0 Comments