CHAPTER THREE | Trip Lang, Walang Totohanan

 Three: Tell me what's wrong

[/color]

Pagpunta ko sa room nila Astrid, nakita ko sya na nagpapaturo kay Denver.

“Oi! Gerardo! Napunta ka ditto?”

“Uh, dahil nandito yung gitara ko?”

“Ay, oo nga pala. Kukunin mo na? ;D

“Hinde hinde ibibigay.”

“Ang pilosopo mo.”

“Close tayo?”

“Hinde hinde ang layo mo kaya.”

“Yan. Nakahanap ka ng katapat mo.”

“Ows? Katapat? Sino? SI Denver? Jusko.”

“Ang yabang mo! >:(

“Mana mana lang yan. 8)

“Eto na nga gitara mo! Alis na! Teritoryo ko to!”

“Baka ikaw gusto mong umalis ditto. Pinamumunuan ko to.”

“Heh! Just go away!”
Tumingin ako kay Astrid. Sinenyasan nia ko ng okay lang. Kaya huling banat na.

“Hay nako, kaya ayokong nagagawi ditto eh. Nakakalimutan kong edukadong tao nga pala ako.”

“Aba’t--”

Hindi k na narinig yung iba nia pang sinabi. Nagsuot na ko  ng earphones at saka ko kinuha yung gitara ko kay Astrid, sabay layas. Baka mapa-away pa ko.

***

Pag-uwi ko, napansin kong nakabukas ung bintana ni Gerardin. Good, nakauwi na sya. Hinatid siguro ni Lance. Bait talaga nung lalaki na un kahit sabihin na ‘Resident Bad Boy’. Marunong rumespeto ng babae.

Pero nakasara ung kurtina. Hmm. Bakit kaya? Usually bukas na bukas ung bintana nia eh, ung tipong nakikita ng kapit bahay yung pinaggagagawa nia.

Nevermind. Moody naman yung isa na yun, kaya wag na nating pansinin. Pumasok na lang ako sa bahay, diretso sa kwarto para magbaba ng gamit at magpalit ng damit. Tapos labas ulit para kumuha ng chibog habang gumagawa ng assignment.

Natural dadaanan ko yung kwarto ni Gerardin. Kaya kinatok ko na rin.

“Oi. Gusto mong kumain?”

“No.”

Wow. Ang tipid. Tska ang suplada ng dating.

“Kapatid ayos ka lang?”

“Go away.”

Ohhh..... Matindi to. Ramdam ko. Could be the connection that twins have, I’m not sure. Pero iba talaga to.

“I’m going in.”

Binuksan ko yung pinto. One thing that Gerardin never does is lock doors. Kaya madaling mabobosohan to eh.

“Oi. Ayo—What the hell happened?”

I’ve seen Gerardin cry, but I guess I’ve never seen her CRY. She looked like a freaking mess.

“Leave me alone.”

“No.”

“I said, Leave. Me. Alone.”

“Ayoko.”

Lumapit pa ko ng ilang hakbang.

“Ba’t ba ang kulit mo? Hindi ka ba nakakaintindi?”

“Ba’t ka ba ngumangawa dian? Ano bang nangyari?”

“Wala nga kase! Leave me alone!”

That’s when I knew something was really, really wrong.

Post a comment

0 Comments