CHAPTER ONE | Trip Lang, Walang Totohanan

 ONE: Ikaw, Ako, Siya


“GerGer, pautang naman ng kinse o.”

“GerGer? Pautang? Ano ka hilo?”

“Sige. Gerardin Yvonne Dinello Careza na aking kakambal na di kamukha, pwede bang makahiram ng kinse pesos? Bibili lang ako ng Sundae. Geh na PLEAAASSSEEEE....”

“Hay. Eto na Gerardo Ynigo Dinello Careza na kakambal kong mas cute ako! Bili mo din ako.
Strawberry. Hindi Caramel. Ayos?”


“Ayos. Thank you!!”

Yun si Gerardo. Ako si Gerardin. Kambal kami. Malamang. Kakasabi lang namin eh. Malamang fraternal twins din kame. Boy and girl diba ? DIba ?

“Yo Gerardin!”

“Yo Panget! :D
“Naman to o. Binabati ng maayos tapos ganyan isasagot mo sakin. It hurts you know? It hurts!”

“Arte mo brad. Kaya ka napagkakamalang bading eh.”

“Bading ka dian? Lalake to dre! Lalake!”

“Whatever you say, mister.”

"Nakita mo si Kachipon?"

"Hanapan ako ng nawawalang girlfriend?"

"Sabi ko nga. Eh ang iyong kaano?"

"Kaano?"

"Si ano!"

"Anong si ano?"

"Gulo mo! Si Lance! Asan ka ko!"

"Ikaw magulo dian. Paano ano ka pa. Si Lance, aba'y malay ko dun."

"So ganun na lang? Walang pakelamanan?"

"Baket? Trip lang naman yun ah."

"Kahit na. Iba ang alam ng madlang pipol."

"Heh. Pake ko ba sa kanila."

"Ay thank you. Nag-abala ka pa."

Sabay kuha sa sundae ko sa aking mabait na kakambal na ibinigay naman.

"Hoy parekoy akin yan. Bumili ka ng sayo."

"Eh bat ikaw di ka bumili ng sayo?"

"EH bat di mo gamitin pera mo?"

"Okay. Fine. Panalo ka na."

"Oi kambal! Andyan lang pala kayo!"

Yan si Lance. Boyfriend ko na hindi naman. Long story. Basta. Wag ka na matanong.

"Hi panget.  ;D"

"Ano ba! Puro kayo panget.  >:("

"Ano gusto mo 'Hi Pogi'? Yung parang 'Pogi pabili ng fishball'? Mas maganda na yung panget, makatotohanan."
"Tamaa.."

"Nakow. AKo na naman pinag tripan nio."

"Hinde hinde sya. Sya pinagtritripan namin."

Sabay turo sa puno.

"Pwe."

"Ayun ung kachipon mo panget."

"San?"

"Ayun o. Panget ka na nga bulag ka pa. Kawawa ka na naman."

"Heh! Nakita ko na! Sige, alis na ko mga bispren."
"Wag ka na babalik."

"Ay, alis na din ako. Yung gitara ko kukunin ko pa kela Astrid.  ;D"

Is it just me, o talagang iniiwan nila kami ng magkasama?

"Yung gitara ko paki kuha din sa room ng Italy. Please?"

''Kaw na. Pasama ka na lang kay Lance."

"Pero--"

"Ayaw mo ba ko kasama?"

Awkward.

"Ahm. Di naman."

"Eh bakit iniiwasan mo ko? Last week pa. Kala mo din ko napapansin?"

"Kase..."

Kasi ano? Sige Gerardin isip! Isip!

"Kase?"

"Ah... eh..."

"See. Wala kang dahilan. Kung ayaw mo na, sabihin mo lang. Trip lang naman to diba?"

Pano ko ba sasabihin??









Pano ko ba sasabihin na....







Na.....









Na...


















Mahal ko na talaga sya...  :-[

Post a comment

0 Comments