CHAPTER FOUR | Trip Lang, Walang Totohanan

A/N: I highly recommend listening to Kanlungan by Noel Cabangon and Awake by Secondhand Serenade while reading this. Yun kasi ung pinapakinggan ko habang nagsusulat. Nye nye. ;D

Pero try nio. ;)

KANLUNGAN

AWAKE

Tsaka nga pala, kapag naka-black, ibig sabihin unimportant characters. Tambay sa kanto, kumbaga. XD




Four: Kanlungan


“Lance! Free throw?”

“Pass na lang.”

Tumuloy lang ako ng lakad.

“Is something wrong?”

I turned around. Si Sally. Kababata ko.

“Define wrong.”

“Um..”

“That was rhetorical.”

Sabihin mo na ng suplado ako  bastos ako, pero tinalikuran ko si Sally. I seriously don’t need her right now. I need Gerardin.

“Narinig ko kayo.”

That made me stop short.

“Narinig ko kayo na nag-aaway sa telepono nung Sabado. She’s not worth it.”

Hindi pa rin ako kumibo. Nakatayo lang dun, parang estatwa. Pake ko kung tinitignan na kami nung mga naglalaro ng basketball sa court?

Sa court kung saan madaming mga alaala.

>>flashback<<

1st monthsary namin. Ako tong si excited na mukhang ewan, nagplano ng kung ano.

“Pwede ko ng tanggalin to, Lance?”

“Bilang ka ng one to five.”

“One...”

Mabilisan kong chineck kung nakalatag ng matino ung pagkain.

“Two...”

Tinignan ko ung banner kung walang mantsa o sira.

“Three...”

Kinuha ko ung bouquet ng white roses.

“Four...”

Binilang ko kung saktong dose piraso ung roses. Dose naman.

“Five..”

Inalis ni Gerardin yung blindfold.

“Oh. My. God.”

“Happy first monthsary.”

>>end flashback<<

“Lance, andito naman ako eh.”

Wait—Sally was talking the whole time and I wasn’t listening? Oh well.

“Lance pwede naman na ako diba?”

Narinig ko na yung mga hikboi. Ohhkaaayyy... Oras na para sumibat. Mabilisan kong kinuha yung skateboard ko mula sa backpack ko at dumiretso sa kalsada.

Wrong timing lahat.

Kung hindi nagsimulang umiyak si Sally, hindi ako magmamadali.

Kung hindi ako nagmadali, titingin ako sa kanan at kaliwa.

Kung tumingin ako sa kanan at kaliwa, nakita ko sana yung kotse.

It all happened too fast.

Narinig ko yung busina nung kotse, yung sigaw ni Sally at yung sigaw nung mga nagbabasketball.

Nakita ko ung kotse, tapos bigla kong naalala ung paborito kong laruan nung bata ako, yung isang alaala ng Dad ko na hindi ko makakalimutan, yung ngiti ni Gerardin, yung tawa nia...

Tapos...

Wala na.

*switch P.O.V. to Gerardin*

As usual, words aren’t enough for Gerardo. Pisikal na to.

“Please, Gerardo, for once in your life, leave me alone when I tell you so!”

“Hindi ka kasi okay eh.”

That was all I needed to hear to break down again. Nag-offer ng hug si Gerardo. I made the move to get closer, and in doing so, I accidentally hit my bedside table, making the only picture there crash.

“Lance.”

Alam mo yung feeling na  may nangyaring masama? Yung feeling na, basta alam mo lang.

Naramdaman ko yun. Parang umurong yung luha ko. Suddenly I was shocked.

*switch P.O.V. to Astrid*

“Astrid telepono!”

“Opo!”

Hay, kakadating ko pa lang eh.

“Hello, Viñas Re—“

“Astrid si Lance.”

Something’s freakishly wrong.

*switch to third person*

“Lance may kotse!”

Pero huli na ang lahat. Nabangga na si Lance. Hindi umabot ung preno nung sasakyan. Bumaba agad ung driver ng kotse.

“Jusko! Tulungan nio ako, dali!”

Automatic na tumulong yung mga naglalaro ng basketball na napatakbo agad sa may kalsada nung sumigaw si Sally.

Nung nasa kotse na Lance tska ung driver, agad na dinala sa hospital si Lance. Diretso sila sa emergency room, kung saan sunod-sunod na dumating ang parents ni Lance, kaibigan ni Lance, at si Gerardin at Gerardo.

Sa operating room agad dinala si Lance, first glance pa lang nung doctor.

Halos three hours din silang naghintay, may umiiyak, may tahimik, may di mapakali.

Sa wakas, lumabas din yung doctor.

“Mr. and Mrs. Fergado?”

“How’s my son?”

“I’m sorry, but he might not make it through the night.”

No comments:

Post a Comment